Wednesday, May 13, 2009

Ang Espada ni Damokles

Ang Espada ni Damokles


Noong panahon Syracuse, naninirahan ang isang hari na nagngangalang Dionysius. Siya'y madamot at magagalitin. Alam niya sa kanyang sarili na ayaw sa kanya ng mga tao kaya namumuhay siya ng may takot dahil sa pangambang may pumatay sa kanya.

Si Dionysius ay isang kilala at mayamang naninirahan sa isang palasyo kasama ng kaniyang mga tagapagsilbi.

Isang araw nagtungo sa kanya ag kanyang kaibigang si Damokles, at sinabing, "Kay saya mo sa iyong pamumuhay ngaun kaibigan, lahat ng naisin mo'y nasa iyo at nasusunod"

"Bakit? Gusto mo bang makipagpalit ng katayuan sa akin?" ang wika ni Dionysius.

"Hari," wika ni Damokles, "Kung mapapasaakin man ang iyong estado sa buhay ng kahit isang araw lamang ay isang malaking karangalan at kaligayahan sa akin at hindi na ako maghahangad ng ano pa man."

"Masusunod ang kagustuhan mo," ang wika ng hari, "Ikaw na ang magmamay-ari ng lahat ng ito."

Ganoon nga nag nangyari, nagbuhay hari si Damokles nang araw ding iyon. Nasunod lahat ng kanyang gusto. Ang maupo sa trono ng hari, kumain ng masasarap na pagkain, ang mahiga sa malambot na higaan at pagsilbihan sa lahat ng oras. Pakiramdam niya'y siya na ang pinaka-masuwerteng tao sa buong mundo.

Habang nakahiga si Damokles iminulat niya ang kanyang mga mata, mula sa itaas, nakabitin ang isang espada, nakatapat ito sa kanyang ulo, nakatali lamang ito ng isang buhok ng kabayo. Naisip niyang manganganib ang kanyang buhay kung sakaling maputol ang buhok na iyon. Napangiti na lamang si Damokles at napagisip-isip na ayaw na niyang manatili pa doon.

"Anong problema?" ang tanong ni Haring Dionysius. Sinabi ni Damokles ang tungkol sa nakasabit na espada roon na nakatapat sa kanyang ulo.

Alam ng hari na may espadang nakabiti doon, na kahit sa anong oras ay maaaring mahulog. Ngunit sinabi niyang bakit siya matatakot, kung siya man mismo sa parating may espada sa ulo. Alam ng hari na sa kahit anong oras ay maaaring may pumatay sa kanya.

Napupumilit umalis si Damokles sa palasyo. Hindi na niya nais pang magtagal doon, napagisip-isip niyang hindi nakukuha sa karangyaan ang kaligayahan. Nais na niyang bumalik sa dati niyang buhay sa bundok at doon manirahan ng tahimik sa kanyang kubo.

Sa kanyang pag-alis sa palasyo, ipinangako niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya maghahangad pa ng higit na karangyaan sa buhay o makipagpalit man ng pamumuhaykay Dionysius o sa kahit sino mang hari.

Mensahe:

Kaligayahan ay hindi parating nakukuha sa karangyaan.

No comments:

Post a Comment