Friday, April 24, 2009

TEODORA ALONZO

Teodora Alonzo

Si Teodora Alonzo ay maituturing na isang Pilipinong Bayani pinanganak sa Meisik, Tondo, Maynila noong ika-9 ng Nobyembre 1827. Ang kanyang asawa ay si G. Rizal Mercado na taga Binan, Laguna. Ang kanilang mga anak ay sina Paciano, Saturnina, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, Soledad at ang ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Si Gng. Teodora Alonzo ang unang naging guro ng dakilang si Dr. Jose Rizal.

Siya ay nakapag-aral at natuto ng salitang Kastila sa Kolehiyo ng Santa Rosa. Bata pa si Rizal at may nakagalit ang kanyang ama na mga Kastila. Dahil dito ay pinag initan sila ng mga Kastila at ang napagbuntunan ng galit ng mga ito ay ang kawawang si Gng. Teodora. Pilit siyang pinalakad mula sa Calamba hanggang sa Sta. Cruz Maynila. Pagkatapos nito ay pinagbintangan siya ng isang bagay na di niya naman ginawa. Dito nagsimula ang galit ni Jose Rizal sa mga Kastila. Nang ang mga Amerikano ang sumakop sa Pilipinas ay nais nilang bigyan ng pensyon si Gng. Teodora Alonzo ngunit ito ay di niya tinanggap dahil siya ay naniniwala na “Ang mga RIzal ay naghahandog ng kanilang buhay sa Inang Bayan dahil sa katutubong kabayanihan at hindi dahil sa salapi.”

Binawian ng buhay si Gng. Teodora Alonzo noong taong 1911.

No comments:

Post a Comment