Jose Ma. Panganiban
Si Jose Ma. Panganiban (1 Pebrero 1863 - 19 Agosto 1890) ay isa sa mga manunulat sa pahayagang [[La Solidaridad ]] na naging istrumento upang maimulat ang mga Filipino sa mga kalupitan ng mga mananakop na Kastila sa Filipinas. Ginamit niya ang sagisag panulat na "Jomapa" at J.M.P sa pagsusulat upang maikubli ang kaniyang tunay na katauhan.
Edukasyon
Tinuruan siya ng kaniyang ina na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol noong bata pa. Pinag-aral siya sa isang seminaryo sa Naga, Camarines Sur. Doon ay naging mahusay na mag-aaral siya at nakatapos ng kursong Pilosopiya noong 1882. Si Panganiban ay nagtungo sa Maynila, at nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran dahil na rin sa tulong na kaniyang natanggap mula sa mga kawani ng seminaryong kaniyang pinaggalingan. Kumuha rin siya ng kursong medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Barcelona sa Espanya.
Isang Makabayan
Noong kasalukuyan siyang nasa Espanya, nabasa niya ang mga akda ng mga Filipino na kasapi ng Kilusang Propaganda laban sa mga Kastila. Sumapi sa kilusan at doon ay naging isang manunulat. Binigyang pansin niya ang mga maling sistema ng edukasyon sa Filipinas at pinagtuonan ang hangaring makalaya at makapagpahayag ng saloobin ng bawat Filipino. Ang kaniyang mga likha ay hinangaan at kinilala ni Jose Rizal.
Huling Sandali
Hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay, tanging ang pagsusulat para sa bansang Filipinas ang kaniyang iniisip. Habang nagdurusa sa karamdaman, si Panganiban ay humingi ng paumanhin kay Rizal at sinabi, "Kung mayroon lamang akong sapat na lakas tulad nang ako ay bata pa, patuloy pa rin akong magsusulat hanggang sa huling yugto ng ating laban."
Sanggunian
* Quirino, Carlos. Who's Who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Jose_Ma._Panganiban
Katiting
"Ang akdang ito ay katiting [stub]. Tumulong sa Wikifilipino at palawakin pa ito !"
Pagkilala

No comments:
Post a Comment